Friday, August 31, 2007

Susubukan ko ring Magsulat

Ngayong araw susubukan kong mag sulat.

Kasi.

Mag iisang buwan na ako dito sa Sg.

August 2 nung umalis ako ng Manila. Isang araw lang ang empake bago lumarga. Hindi pa nakahinga sa dating trabaho at lilipad na sa lugar na puro galeng sa internet at kwento ni Pareng Warren lang ang idea ko.

Mejo malungkot ako nun. Di ganun ka excited. Kasi wala naman talaga sa plano ko sa buhay ang iwanan si Pilipinas. Sabi ng isang kaibigan - "ano ka ba? Sg. na yun. yung iba nga gumagawa ng paraan para makapunta lang dun tapos ikaw di excited".

Well... Ganun ako eh. =P

Kailangan ko na lumayo. Sa sister ko na lagi kong kasama. Sa mga pamangkin ko na ginagabayan(trying to). Sa mga kaibigan na sinabihan kong "walang iwanan".

Lalong lumayo sa family sa province. Pag tumawag additional digit na --- 01963 + area code + tel number. (yung 019 promo ng singtel para tipid... weee...)

dati kasi area code lang... tsk.

Well... ganun eh... kailangan umalis... hirap pala pag unang beses mo umalis sa malayo. kakaiyak. pero ok lang... choice ko to...

Nung dumating ako dito, halong mangha at pag aalala. Mangha, kasi ganda ng lugar. Maayos ang lahat. Pag aalala, kasi xempre pers taym. =D

Salamat sa mga dating kaibigan na di ako pinabayaan kahit ngayon lang ulit kami nagkita. Kahit sa mga simpleng bagay na ginawa nyo ay di ko kakalimutang bumawi sa inyo.

Experience?.. Aba andami.. sa perstaymer pa eh.. =D

Abangan... "Sa Piling ng mga Anaps"

2 Weeks akong nagstay sa guest house kasama ang mga tao na gaya ko ring nagbabasakali dito sa Sg. Mejo mas nosetril friendly lang ako. =D

Nakakita na kasi ako ng place na tingin ko mabuti para sa akin. Mababait ang mga nakatira na puro pinoy din. Sa kanila ko naranasan ang pagdadamayan ng mga pinoy.

Well, heto... dito nga sa ibang bansa, pero wala naman masyado pagkakaiba. Matutulog ka, Kakain ka, trabaho... same lang din. Mag iisang buwan na.

Alis kaya ako ng Earth para maiba?.. jowk. =D

Sorry di na ako masyado nag detalye, sobrang dami nangyari sa unang isang buwan eh. Nakakatuwa, nakakatawa, nakakalungkot.

Simula ngayon subukan ko nang mag sulat lagi. Kung ano ano lang... basta.

4 comments:

cathy said...

It does help to write...
Being in a different place, far from family and friends is both exciting and scary but i'm sure you'll pull it off.

I wish you good fortune :) andito lang ako, men. You never know, you just might find me in your doorstep.

Poksie said...

aba may comment kaagad. Thanks men.

Sunod ka dito. =D

ALiNe said...

Gaya gaya ka poksie..hehe!
Welcome to blogging world =) i enjoy mo lang sarili mo dyan. Be merry and keep safe!

Poksie said...

nye... di kita ginaya...

iba yung ginaya ko. hehehe... =P

newey thanks po. blog blog nalang. =D